Pagkaing ilokano
Ang pagkaing ilokano ay isa sa pinakamayaman, pinakamasustansya at pinakamadaling hanapin na mga gulay lalo na ang mga sangkap ng pinakbet. Ang pinakbet ay kilalang kilala na pagkain ng mga taga hilagang tagalog. Pag kilala mo ang salitang pinakbet madalas ikaw ay napagkakamalang ilokano o ilokana dahil ang salitang pinakbet ito ay ang pangunahing pagkain ng mga taga hilagang Tagalog.
Ang sangkap ng pinakbet ay:
- Ampalaya na bilog
- Talong na bilog
- Kalabasa na malutong
- Sitaw na kulay berde
- Okra
- Sibuyas
- Kamatis
- Karne
- betsin
At higit sa lahat ang bagoong isda na napakabango na gustong-gusto ng mga ilokano.
At puwede mo rin itong lagyan ng bunga ng malungay, sapagkat ang bunga ng malungay kapag ito ay inilagay mo sa pinakbet lalong bumabango at sumasarap ang iyong nilutong ulam na pinakbet. At puwede mo rin itong lagyan ng patani. Para lalong magkaroon ng maraming vitamina o sustansya ang iyong pagkain.
Pamamaraan ng pagluto ng pinakbet:
Una maghanda ng malinis na kawali, pag hiwalayin ang taba at laman ng karne ng baboy pagkatapos ito ay igisa unahin ang taba para magkaroon ng konting mantika. Hanggan sa ito ay mag kulay brown, pagkatapos pag medyo brown na isunod yung laman ng baboy hanggan sa ito ay mag kulay brown na rin ilagay ang sibuyas at kamatis pagkatapos lagyan ng mainit na tubig ang bagoong bago ibuhos sa kawali.
Balatan ang patani pagkatapos mo balatan ito ay ilagay sa kaserola, lagyan ng tubig, palambutin at isunod ang mga gulay kagaya ng
kalabasa, sitaw, okra, ampalaya at talong ilagay din yung bunga ng malungay sa ibabaw kung meron. Pagkatapos ito ay takpan mo pagkalipas ng limang minuto at luto na ang gulay ilagay na sa ibabaw yung mga iginisa mong karne sibuyas at kamatis kasama na rin yung bagoong isda at ito ay ilagay mo sa ibabaw ng mga gulay takpan sandali at puwede na itong ihain sa iyong pamilya.
Subukan mo itong gawin at lutuin madali na masarap pa at higit sa lahat masustansyang pagkain ng ilokano ang pinakbet.
Luto ni LAV.
Pinakbet could be the best vegetarian food for all Filipinos. Every region has its own way of preparing this recipe.
TumugonBurahinPagkaing Filipino
Ang "tunay" at "original" na Pinakbet ay mayro-ong:
TumugonBurahin* Sitaw ("Utong" sa Ilokano)
* Okra ("Bunga ti saluyot" sa Ilokano - hindi yong "dahon
ng Saluyot")
* Kalabasa ("Karabasa" sa Ilokano. Ito dap. DON'T be
confused by it. Ang Kalabasa ay yong "Nakilnet" variety as
Ilokanos call it)
* Talong ("Tarong" sa Ilokano. Ito dapat ay yong mga mali-
li-it na Talong)
* Sibuyas
* Kamatis
* Bawang
* Paminta
* Laurel
* 1 spoonful cooking oil
* Bago-óng na isda ("Bug-guong" sa Ilokano)
* "Vetsin" (Chinese brand) or "Ajinomoto" (Japanese brand)
* Ampalayá ("Parya" sa Ilokano)
* Sigarilyas ("Pal-lang" sa Ilokano)
* Patani na mabangó
* Patola "Kabati-ti" sa Ilokano)
As you can see here, there's no meat of any kind in the authentic, original Ilokano Pinakbet. You can even put taro tubers (peeled obviously)
ok
TumugonBurahin